Tuesday, November 25, 2008

/// tagalog

gusto ko magalit! magalit nalang kaysa yung ganitong laging natatakot, nalulungkot, gigising tapos matatakot. gra-VE! 

kahapon nagskype kami ni ruthie tapos sumigaw nalang ako bigla FUCK YOU SEMINAR!!!!!!!! and it felt so good! haha fuck you talaga, sino bang nagimbento sayo? ano ba value ng pagsasalita sa unahan, ng pagshare ng mga iniisip mo, eh pano kung may mga taong hindi lang talaga ganun, edi kakabahan lang sila tapos hindi na sila matututo kasi kakabahan nalang sila e. itong mga aleman na to, bakit ba gigil na gigil kayo sa pagiging critical sa lahat ng tao bagay ideas. wala ba kayong ibang kailangang gawin? bakit ba ang seryoso niyong lahat?

sa ngayon sa ngayon hindi ko alam kung pano magdedeal sa mga nangyayari sakin ang naisip ko nalang: ONE DAY AT A TIME. ONE TASK AT A TIME. UNTIL I REACH YOU S-V-E-R-I-G-E. ngayon, ngayon, gagawin ko yung IP presentation ko para bukas. sigurado magtatanong na naman yung mga leche kong mga kaklase, para may participation sila, lalo na yung isang amerikana na sobrang negative vibes. sabi ko "o wag kayo magtatanong a". sabi niya smugly "ohhh we'll see about that." hahaha FUCK YOU.

grabe mahal na mahal na mahal ko sweden. grabe mahal na mahal na mahal kita. kinwento na kita sa nanay ko, tapos lagi ka niyang tinatanong sakin, kung sumulat ka na ba o nakarinig na ba ko ng balita sayo. tapos sabi niya, sosorpresahin ka nalang nun! nanay ko yun a! pati mga kaibigan ko, they are all rooting for you. because they love me and they want me to be happy, so kahit gago ka, kahit hindi ka namin maintindihan, umaasa parin kaming lahat sayo.

naisip ko kagabi, hindi ko talaga maintindihan. HINDI KO TALAGA MAINTINDIHAN. ANO BANG TINATAGO MO SAKIN? BAKIT BA ANG HIRAP MONG PANGHAWAKAN? ISANG TAON NA KITANG HINIHINTAY HINAHABOL PINAGBIBIGYAN. MAHAL NA MAHAL KITA. HINDI KO MAINTINDIHAN!!!

sana dumating ka. sana dumating ka. sana dumating ka.

3 comments:

Anonymous said...

parang ang sarap mag tagalog noh?

na-feel ko yung feeling mo eh! iba talaga magsulat at magsalita in your native tongue.

naisip ko rin. comfortable ka naman picturan, at i-video, pero bakit kaya sobrang kinakabahan ka pag magsasalita ka in front? sobrang iba ba yun? or pag academic lang ba ang topic?

hmmmmmmm

angelf said...

chai:

ang sarap ng chai tea! meron nun dito sa cafe na sobrang sarap pangalan esprit <3

oo ang sarap magtagalog. gusto ko na magtagalog lagi, minsan hindi ko talaga maexpress sarili ko sa english. iba talaga TAGALOG!!!

oo nga e, naisip ko rin yan. pag academic lang talaga! hindi ko rin alam kung bakit. low self-confidence sa academic speaking. hmmm bakit?

Anonymous said...

darating din yun, hintay ka pa,
don't give up nga di ba? ;)